Posts

Liwanag ng Kaalaman

¹Ang paaralan ay lugar na puno ng kulay at ingay Sa bawat sulok may kwentong naghihintay. Sa bawat silid, pag-asa ay dalisay, Pananabik na matuto nababanaag na tunay.   ²May guro na nagtuturo nagbibigay ng kaalaman, Naghahasik ng karunungan hindi lang sa paaralan. Kundi sa kaibuturan ng puso, at sa isip nino man, Upang maging ganap na tunay hinahangad na karunungan.   ³hinabi ng katalinuhan, Pag-uugali at kakayahan nalilinang kung pagsikapan. Sa bawat bukas may bagong natutunan Sa hirap huwag sumuko, ito rin ay iyong malagpasan.   ⁴Handog ng edukasyon regalong makapanagyarihan Matamis na tagumpay at tunay na Kalayaan.   (Ending) At yan ang dahilan kung bakit ang edukasyon ay mahalaga't kailangan.